
Inabswelto ng Department of Justice ang isang online gaming service provider na isinasangkot sa pagdukot ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO) workers.
Sa inilabas na resolution ng ahensiya, napag-alaman ng 4-man panel of prosecutors na walang ebidensiya na nag-uugnay sa MOA Coudzone Corp. (MCZ), isang Philippine offshore gaming operator (POGO) na nakabase sa Pasay, sa umano’y trafficking sa mga manggagawa inito,
Nabatid na sa inihaing complaint ng pulisya laban sa naturang gaming service provider at dalawang iba pa na kompaniya na ang mga ito ang employer ng nasagip na mga POGO wokers.
Noong Setyembre 2022 nang masagip ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang mga POGO worker na karamihan ay Burmese nationals sa Parañaque.










