-- Advertisements --

Binigyan diin nina presidential candidates Ernesto Abella at Leni Robredo na dapat ay competent at mayroong integridad ang susunod na kalihim ng Department of Health (DOH).

Sa kanyang pagharap sa presidential debate ng CNN, sinabi ni Abella na ang itatalaga niyang Health Secretary ay dapat mayroong integrity, intelligence, at energy para sa trabahong kakaharapin nito.

Para naman kay Robredo, dapat ang magiging susunod na DOH chief ay expert, capable manager, at mayroong respeto sa kanyang mga kasamahan.

Nakita naman anila sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, sa harap ng COVID-19 pandemic, ang mga kalidad na dapat taglay ng magiging susunod na DOH secretary.