-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Pinaputukan ng mga hindi mabilang na mga armadong grupo ang community police action center sa Barangay Suli, Kiamba, Sarangani.

Ayon kay Capt. Robert Forez, spokesperson ng Sarangani Provincial Police Office na nagmula sa plantasyon nga niyog ang mga armado at nirapido ang COMPAC subalit wala namang tinamaan.

Dagdag ni Forez na mga miyembro ng guerilla front 73 sa pangunguna ni Kumander Yoyo ang lumusob sa lugar.

Matapos ang pagpaputok kaagad lumisan ang grupo at muling pinaputukan ang sub-station ng power utilities sa lugar.

Nakuha sa crime scene ang iba’t ibang basyo ng matataas na armas kagaya ng caliber .45, armalite rifle, AK-47 at M203 grenade launcher.

Posible umanong isabotahe ng rebeldeng grupo ang sub-station ng koryente sa lugar.

Matatandaan nagdaang araw iilang sibilyan ang nagreklamo laban sa pulisya ng Kiamba dahil umano sa pagmaltrato ng iilang nahuling health protocol violators.