-- Advertisements --
image 275

Kasunod ng kumpirmasyon at pagkondena ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa pagkamatay nina Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon, sinabi ni National Security Adviser (NSA) Eduardo M. Año na nawawala na ngayon sa direksyon ang “Communist Terrorist Group” (CTG) dahil wala ang mga pangunahing pinuno nito.

Ito ay kasunod ng alegasyon ng CPP na pinahirapan at pinatay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mag-asawang Tiamzon at walong iba pang miyembro.

Aniya, sa pagkamatay ng tagapagtatag ng CPP na si Jose Maria Sison at ngayon ay mag-asawang Tiamzon, ang Communist Terrorist Group ay walang head o leader at malinaw na walang pambansang namumuno.

Dagdag ni Año, nawala na umano ang kanilang “guiding light” sa katauhan ni Joma at ng kanilang kumander na sina Tiamzon.

Matagal na aniyang pinaghihinalaan ng gobyerno na patay na ang dalawang lider ng komunista, ngunit itinanggi ng CPP ang pagkamatay ng Tiamzons.

Ang mga naunang ulat ay nagsabi na ang mga Tiamzon ay pinaniniwalaang napatay sa isang engkwentro ng militar sa Samar noong 2022.