-- Advertisements --
Kasalukuyan nasa 51% na ng itinatayong common station na mag-uugnay sa apat na rail lines sa National Capital Region ang natapos na, ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Tugade na pitong taon nang delayed ang naturang proyekto.
Kaya naman sa ngayon ay nasa full at acclerated pace sila sa pagtatayo ng common station, na siyang mag-uugnay sa LRT-1, MRT-3, MRT-7, at Metro Manila Subway.
Noong Abril, sinabi ng Department of Transportation na mauurong sa fourth quarter ng 2021 ang partial operability ng common station dahil sa hindi naman sinabing dahilan.
Nabatid na nakatakda sanang maging operational ang istasyon sa katapusan ng taong 2020.