-- Advertisements --
Itinalaga si Commissioner Socorro Inting bilang acting chairperson ng Commission on Elections (Comelec).
Kinumpirma ni Frances Arabe of the Comelec Education and Information Department na ang pagkakatalaga ni Comm. Intining ngayong araw.
Aniya epektibo pa noong Hunyo a-2 ang designation ni Inting sa naturang posisyon sa Comelec.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na naging acting chair ng poll body si Inting. Una itong naitalaga bilang acting chair nang magretiro si Comelec Chairman Sheriff Abas noong lamang Pebrero ng kasalukuyang taon.
Kalaunan ay itinalaga bilang poll chief si Commissioner Saidamen Pangurangan subalit nabypass ng Commission on Appointments.










