-- Advertisements --

Hindi na rin makakaboto sa consolidated disqualification case laban sa presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Comelec Commissioner Marlon Casquejo, ayon kay Commissioner Rowena Guanzon.

Papalitan na rin kasi aiya si Casqueo sa First Division ng Comelec, na siyang humahawak sa consolidated case laban sa dating senador.

Ayon kay Guanzon, si Casquejo ang siyang magpe-preside sa Second Division ng Comelec sa Pebrero 3.

Maaring ginawa aniya ito dahil maaring sa tingin nila ay boboto ring pabor si Casquejo sa disqualification case laban kay Marcos.

Ito aniya ang dahilan kung bakit siya lumutang at ipinaalam sa publiko ang nangyayari sa loob ng Comelec kasi mayroon aniyang nanghihimasok na sa proseso at ginagamit aniya si Commissioner Aimee Ferolino bilang sundalo.

Magugunita na sa First Division ng poll body na-raffle ang consolidated disqualification case laban kay Marcos.

guanSina Guanzon, Ferolino at Casuejo ang mga miyembro nito.

Nakasaad sa disqualification case ang kabiguan ni Marcos na makapaghain ng income tax returns at makapagbayad ng corresponding tax deficiency nito.

Makailang ulit nang hinimok ni Guanzon si Ferolino na ilabas na ang resolution dito bago pa man ang kanyang retirement bukas, Pebrero 2.

Kahapon, naglabas ng separate opinion si Guanzon hinggil sa disqualification case at bumoto nang pabor sa mga petitioners para diskuwalipikahin si Marcos sa 2022 presidential race.