Plano ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na gamitin ang “register anywhere” system.
Layon nito ay upang bigyang-daan ang mas maraming Pilipino na makalahok sa halalan.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na lumikha siya ng task force para pag-aralan ang posibleng pagpapatupad ng register anywhere system sa gobyerno at pribadong establisyimento.
Inatasan niya ang task force head Deputy Executive Director for operations na si Teopisto Elnas na subukan ang mga aktibidad sa pagpaparehistro sa mga tanggapan ng gobyerno.
Isinasaalang-alang din ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa pagpaparehistro sa mga pribadong kumpanya at payagan ang mga empleyado na magparehistro.
Aniya, ang “registration anywhere” ay tutugon sa isyu ng mga empleyado na hindi makapagparehistro dahil kailangan nilang mag-report para sa trabaho.
Kung magiging matagumpay ang pilot test ng “register anywhere” system, sinabi ni Garcia na magiging welcome development ito.
Nauna nang inanunsyo ng Comelec ang pilot testing ng “register anywhere” system sa mga piling partner malls sa National Capital Region.