-- Advertisements --

May sapat pang panahon ang Commission on Elections para sa pag-imprinta at delivery ng mga balota na gagamitin para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa kabila ng mga panawagan ng pagpapaliban dito.

Ito ay matapos na inurong ng poll body ang pag-imprinta ng mga balota na ipagpapatuloy sa susunod na linggo.

Kasunod na rin ng bagong development sa kanilang pakikipag-negosasyon sa National Printing Office (NPO) sa pag-imprinta ng karagdagang security features sa mga balota ng libre.

Nag-alok din ang NPO na ipagamit ang kanilang warehouse at warehouse services para sa mga balota na malaking tipid na rin upang hindi uupa pa ang Comelev ng ibang warehouse na paglalagyan ng nasabing election paraphernalia.

Ayon pa kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, naghanda din ang NPO ng tatlong printing machines na kayang makapag-imprinta ng isang milyong balota kada araw kaya naman kayang-kaya na tapusin ang pag-imprenta sa loob ng 45 araw kasama na ang verification at iba pang accountable forms at may sapat ding oras para mai-deploy sa buong bansa.

Samantala, nakatakdang isagawa naman ang training ng mga electoral boards sa Nobiyembre para makatipid ng pondo dahil na rin sa posibilidd na pagpapaliban ng halalan.