Isinusulong ni Ombudsman Samuel Martires ang kanyang proposed amendments sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officals and Employees.
Kabilang dito ang pagkakabilanggo sa loob ng limang taon para sa sinumang maglalabas ng “commentaries” sa statements of assets, liabilities, and net worth (SALNs) ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.
Base sa draft ng panukalang batas na isinumite ni Martires sa Kamara, ang paggamit aniya ng mga impormasyon para sa pagbabalita ay striktong limitado lamang sa pag-uulat ng mga facts na nakasaad sa SALN at hindi na dapat pang magkaroon ng “commentaries” ukol sa mga ito.
Sinuman ang lalabag sa probisyon na ito ay paparusahan nang pagkakabilanggo ng hindi lalagpas sa limang taon o pagmumultahin ng hindi sosobra naman sa P5,000, o puwede ring dalawa ito.
Sa isang statement, sinabi ni Martires na walang censorship o anumang restriction sa freedom of speech o expression sa kanyang proposed bill na isinumite sa Kamara.