Kinumpirma ni Acting Navy Secretary Thomas Modly na ipinag-utos nito ang pagpapatalsik sa pwesto ng kasalukuyang commanding officer ng USS Theodore Roosevelt.
Tinanggal sa kaniyang posisyon si Navy Capt. Brett Crozier matapos nitong di-umano’y magpakalat ng sulat sa media kung saan nanghihingi umano ito ng tulong para sa 100 sailors na lulan ng barko at nagpositibo sa coronavirus habang 100 naman ang hinihinalang carrier din nang nakamamatay na virus.
“This decision is not one of retribution,” wika ni Modly.
Aniya hindi naging madali para sa kaniya ang desisyong ito at tanging kapakanan lamang ng kaniyang crew ang nasa isip ni Crozier kung bakit niya ito nagawa.
Nagdulot daw kasi ng alara sa mga pamilya ng Marines at sailors ang naturang hakbang ni Crozier. Nagbunsod din ito ng pagkabahala hinggil sa operational security at operational capability ng barko.
Dagdag pa ni Modly na totoo ang iniulat ni Crozier na 100 sailors ang nagpositibo sa COVID-19 ngunit lahat ito ay mild cases lamang.
Ayon pa rito, sana raw ay nilapitan siya ng direkta ng commanding officer para mapag-usapan nila ang isyun ng mabuti.
Hindi rin daw nito ikinatuwa na ipinadala ang sulat sa pamamagitan ng hindi secure na email.
“It demonstrated poor judgement in the middle of a crisis,” ani Modly.
Kasalukuyang nakadaong sa Guam ang USS Theodore Roosevelt na mayroong 5,000 tripulante. Nasa 3,000 naman ang ililikas sa barko ay isasailalim sa quarantine sa dadating ng Biyernes.