
Kinumpirma ng Israel Defense Forces (IDF) na napatay sa magdamag na airstrikes ng kanilang fighter jets ang Hamas commander ng Aerial Force na si Asem Abu Rakaba.
Ang Hamas commander ang responsable sa pagpaplano ng massacre noong Oktubre 7 at inutusan ang mga teroristang grupong Hamas na pasukin ang katimugang bahagi ng Israel sa pamamagitan ng paragliders at responsable sa drone attacks sa Israel military posts.
Responsable din si Abu Rakaba sa UAV o unmanned aerial vehicles ng Hamas, drones, paragliders, aerial detection at depensa.
Sa nakalipas na magdamag, tinamaan ng Israel ang mga targets nito sa Gaza strip sa pamamagitan ng pinaigting na pambobomba at artillery fire na nagpabagsak sa komunikasyon sa lugar na nagresulta ng pagkaputol ng komunikasyon ng 2.3 million katao na naiipit sa Gaza.
Ang naturang pag-atake ay kasabay na rin ng pinalawak pa na opensiba ng ground forces ng Israel sa Gaza strip.










