Target ng Commission on Elections na mailabas ngayong araw ang buong honoraria para sa lahat ng mga guro at poll workers na nagsilbi sa nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Ito ay alinsunod na rin sa umiiral na batas sa bansa kung saan kinakailangang mabayaran ng komisyon ang mga poll workers sa loob ng 15 araw pagkatapos ng eleksyon.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, plano ng poll body na matapos na hanggang ngayong araw ang 100% pagbabayad ng honoraria para sa mga guro sa buong bansa na nagsilbing mga electoral board para sa nagdaang halalang pang barangay.
Samantala, una nang sinabi ni Garcia na nitong Biyernes, Nobyembre 3, 2023 ay nasa 75% hanggang 80% na ng honoraria ang kanilang naipamahagi para sa mga electoral board members, poll workers, at DepEd Supervisor Officials sa buong bansa.