-- Advertisements --
Sinimulan na rin ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang pansariling imbestigasyon hinggil sa pagpalya ng ilan sa mga vote counting machines at SD cards noong araw ng eleksyon noong Mayo 9.
Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, bago pa man tawagan ng pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang komisyon ukol dito.
Layunin nito na pabulaanan ang mga alegasyon na mayroong naganap na dayaan sa nakalipas na halalan.
Samantala, una rito ay inanunsyo na ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na nakipagpulong na sila project management officer, Department of Information and Communications Technology (DICT) at Comelec advisory committee ukol dito.










