-- Advertisements --
image 81

Naghain ng disqualification petitions ang Comelec committee on Kontra-Bigay laban sa limang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) candidates dahil sa umano’y vote-buying.

Ang paghahain ay pinangunahan ni Comelec Deputy Executive Director for Operations Rafael Olaño.

Ayon kay Olaño, ang mga kandidato ng BSK ay mula sa isang barangay sa Quezon Province, isa sa Samar, isa sa Maguindanao, at dalawa sa Marikina City.

Ang mga kaso ay nag-ugat sa mga reklamo mula sa kani-kanilang lugar at ebidensya na bineripika ng Committee on Kontra-Bigay.

Bago maghain ng disqualification petitions, sinabi ni Olaño na nagpadala sila ng mga kopya sa mga respondents.

Sa Marikina, nagbigay umano ng P1,500 out-of-pocket financial assistance ang dalawang kandidato matapos mag-file ng kanilang certificates of candidacy.

Ang kandidato sa lalawigan ng Quezon ay natagpuan umano na sumasali sa isang relief operation ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at nabigyan siya ng pagkakataon na mangampanya.

Ang kandidato naman sa Samar ay nag-sponsor umano ng pagtitipon ng mga opisyal sa isang resort.

Una na rito, sinabi ni Olaño na ito pa lamang ang unang batch ng mga petisyon na kanilang ihahain, at sila ay gumagawa ng 41 pang kaso na ihahain sa mga nagsagawa ng premature campaigning.