Nasa humigit kumulang 104 ang itinuturing na nasa listahan ng areas of concern sa buong bansa may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon ngayong taon.
Bagamat hindi pa inilalabas ng Commission on election ang listahan ng 104 areas of concern kahit na 14 na araw na lamang bago ang May 9 elections.
Paliwanag ni Commission on Election (Comelec) Commissioner George Garcia na nagpapatuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon sa naturang mga lugar.
Inihalimbawa ni Garcia na may mga instances kung saan ang mga lugar na nasa green ay idinideklara na nasa red o areas of grave concern.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kontrol ng poll body ang Malabang and Tubaran towns in Lanao del Sur
Nauna ng nagsumite ang PNP ng listahan ng 120 lugar na ikinokonsidera bilang election areas of concern.










