-- Advertisements --
COMELEC CHAIR GEORGE GARCIA

Mahigpit na binabantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang sitwasyon sa Socorro, Surigao Del Norte upang matukoy kung ang tensyon na konektado sa Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI), na umano’y isang kulto, ay makakaapekto sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ( BSKE.

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na nais niyang makausap ang SBSI at iba pang kinauukulang sektor gaya ng Philippine National Police (PNP) upang matiyak na maayos at mapayapa ang pagdaraos ng nasabing halalan.

Sinabi nito na ang mga kamakailang kaganapan ay hindi direktang konektado sa halalan, ngunit ang poll body ay inaasahan ang anumang posibleng mga mangyari na maaaring magdulot ng concflict.

Nang tanungin kung ano ang maaaring ipagpaliban ng Comelec ang halalan sa lugar, sinabi ni Garcia na maaari ito, kung hindi sila makapagsagawa ng halalan nang malaya at maayos.

Sa ngayon, hindi na kailangang ilagay sa Comelec control ang Socorro, ayon kay Garcia, maliban na lang kung makakaapekto ang sitwasyon sa halalan.

Sa pagpapasya kung isasailalim sa Comelec control ang bayan, sinabi ng poll chief na kailangan nilang kumonsulta sa Armed Forces of the Philippines (AFP), PNP, Philippine Coast Guard, Regional Joint Security Command Center, at Provincial Security Command Center.