-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia na hindi maaaring idaos ng sabay ang voter registration at pag-beripika sa mga lagda sa petisyon para sa people’s initiative.

Aniya, ang voter registration na posibleng magsisimula sa Pebrero at magtatagal hanggang Steymebre ay hindi makakaapekto sa voter count para sa naturang petisyon subalit maaaring maging hamon sa komisyon sakaling idaos ito kasabay ng pagberipika sa mga lagda kung saan maaari aniyang masakripisyo ang ilang aktibidad ng poll body.

Plano din ng Comelec na magsagawa ng vote registration activities sa mga pampublikong lugar gaya ng malls na nangangahulugan na walang staff na available kung sakaling pagsasabayin ito.

Saad pa ng Comelec chairman na bagamat maaaring humingi ng tulong ang Comelec mula sa LGUs para sa voter registration, tanging ang personnel lamang ng poll body ang maaaring mag-beripika sa mga lagda para sa people’s initiative.