Umapela si Commissione on Election (Comelec) Chairman George Garcia sa mga mambabatas na panatilihin o i-restore ang nasa tinapyas na P1.6 billion pondo para sa fiscal year 2023.
Mismong ang Department of Budget Management ang nagtapyas sa nasabing halaga.
Sinabi ni Garcia marami pa sana mapaggagamitan at mapaglaanan ang nasabing pondo.
Sa kabilang dako, suportado naman ni Garcia ang pagpapaliban sa barangay at Sanggunian Kabataan elections na nakatakda sana sa December 2022.
Sa isinagawang budget hearing ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Garcia, nangangailan ang Comelec ng nasa P10.858 billion na pondo sakaling gawin ang halalan sa December 2023 at nasa P9.5 billion kung gagawin ang halalan sa May 2023.
Hindi naman pabor si Albay Rep. Edcel Lagman sa postponement ng barangay at SK elections.
Gayunpaman sinabi ni Garcia na tuloy ang kanilang paghahanda para sa nalalapit na halalan.
Umapela din Garcia sa mga mambabatas na pagtibayin na ang panukalang batas na nagpapataas ng parusa duon sa mga mapatunayang guilty sa vote buying.
Aminado kasi si Garcia nahihirapan din sila na matukoy kung sino ang pasimuno sa mga ganitong kalakaran sa panahon ng halalan.
Aniya, mas mabuti na mayruong batas para matuldukan na ang problema sa vote buying tuwing halalan.
Samantla, humirit din ang COMELEC sa mga kongresista na masuportahan sila sa planong pagpapatayo ng sariling building.
Umapela si Garcia sa mga mambabatas na tulungan silang maisakatuparan ang matagal nang pangarap na magkaroon ng sariling gusali.
Ayon kay Garcia, kada taon, inaabot ang renta nila sa mga gusali at open space sa Palacio del Gobernador ng hanggang P159 million pesos.
Hindi pa aniya kasama dito ang renta sa mga lugar para sa kanilang special events tulad ng filing ng certificates of canvass at pagbibilang ng boto.
Dagdag pa ng tagapangulo ng COMELEC, kung ang ibang constitutional bodies tulad ng COA, CSC, maging CHR ay may sariling mga opisina, marapat lamang na ang COMELEC ay mayroon din.
Tinukoy din ni Garcia na mayroon halos tatlong ektaryang lupa ang COMELEC sa bahagi ng Macapagal Avenue at dito nila target ipatayo ang kanilagn magiging opisina.
Batay sa 2023 NEP, 500 million pesos ang inilaan bilang inisyal na pondo mula sa kabuulang P9.5 billion na gagamitin para sa construction ng Comelec building.