Sinisikap ng Commission on Elections na palakasin ang mga aktibidad sa mga pricurement nito sa pamamagitan ng pagtiyak ng ganap na transparency, accountability at inclusivity.
Ito ang sinabi ng hepe ng Comelec sa pagbubukas ng unang Comelec Procurement Summit na tatagal hanggang Hulyo 18.
Binigyang-diin ni Garcia ang kahalagahan ng procurement sa pagsasagawa ng halalan at sinabing kalahati ng paghahanda ng poll body ay kinabibilangan ng pagbili ng mga supply at pagkontrata ng mga serbisyo.
Aniya, dapat ay makilahok sa nasabing procurement basta’t kumpleto ang mga kinakailangang dokumento.
Nagbabala rin ang opisyal laban sa padrino system sa pagkuha ng mga kontrata mula sa poll body.
Iginiit niya sa mga supplier at mga contractor na makipagtransaksyon lamang sa mga kinauukulang opisyal ng Comelec at sumunod sa mga documentary requirements para makalahok sila sa mga aktibidad ng procurement ng poll body.
Sa 2-day summit, tatalakayin ng Comelec ang mga pangkalahatang prinsipyo sa government procurement, market analysis, participation in bidding activities, contract performance,at iba pang kaugnay na usapin para sa Bids and Awards Committee, Infrastructure Bids and Awards Committee, at ang Special Bids and Awards Committee.