-- Advertisements --
comelec

Isasagawa ng Commission on Elections (Comelec) ang automated voting kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre 30.

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na susubukin ang automated voting sa dalawang barangay sa Dasmariñas City sa Cavite at sa District 6 ng Quezon City.

Aniya, layunin ng Comelec na ganap na i-automate ang lahat ng halalan sa bansa simula sa BSKE.

Bigyang diin ni Garcia, na ang mga pagkaantala sa pagbibilang ng mga balota o pagproklama ng mga nanalong kandidato ay maaaring magdulot ng karahasan na pinasimulan ng pagkatalo ng mga kandidato at ng kanilang mga tagasuporta at maaaring magresulta sa pagkabigo sa halalan.

Giit nito na sa pamamagitan ng automated voting, maaari nang lumabas ang resulta ng halalan sa loob lamang ng 15 minutes.

Kung maaalala, noong nakaraang 2022 elections, ang mga resulta ay nalaman o lumabas matapos ang ilang oras.

Umaasa ang COMELEC na sa susunod na mga gaganaping halalan ay kanilang ng maipatutupad ang fully automated election.