-- Advertisements --

Pinabulaanan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na nagsimula na ang pagbibilang ng mga boto ng overseas Filipino voters.

Ayon kay Commissioner Garcia fake news ang ipinapakalat na impormasyon na araw araw ay binibilang ang mga boto.

Iginiit din ni Garcia na isasagawa lamang ang vote counting sa bansa at sa abroad ng sabay-sabay sa Mayo 9.

Aaabot sa 1.6 million Pilipino ang nakarehistro para sa overseas absentee voting.

Maalala na sinimulan ang overseas absentee voting noong Abril 10 na magtatagal hanggang sa mismong araw ng halalan sa Pilipinas sa Mayo 9.