-- Advertisements --
Humiling ng panalangin si Comelec Comm. Rowena Guanzon para sa isang opisyal ng poll body na tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Guanzon, isa sa kanilang mga direktor ang nagpositibo sa virus.
Tumanggi na muna itong ilabas ang pangalan ng Comelec director, ngunit nasa kritikal na kondisyon umano ito.
Kabilang naman ang Comelec sa mga tanggapan na regular na nagsasagawa ng disinfection, kahit walang gaanong aktibidad sa kanilang mga tanggapan.










