-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nagpaalala si Kabacan, Cotabato Commission on Election Officer Ramon Jaranilla sa mga Kabakeñong hindi pa nakakapagparehistro at nais magbago ng voters precinct na bisitahin ang kanilang tanggapan bago sumapit ang October 31, 2021.
Ayon kay Jaranilla, hanggang Oktubre 30, 2021 na lamang tatanggap ang kanilang opisina sa mga nais magpatala para sa darating na 2022 elections.
Batay sa datos, mayroon ng kabuuang 55,492 na mga botante ang bayan batay sa October 19 tally.
Sa ngayon, magbubukas ang tanggapan hanggang Sabado October 30 para sa mga nais pang humabol na magpaparehistro.