-- Advertisements --

Bumuo ng “new normal” committee ang Commission on Elections (Comelec) na layunin na gawing “COVID-proof” ang magaganap na halalan sa taong ito.

Pangungunahan ito ng Commissioner Aimee Torrefranca-Neri na siyang tatayong chairwoman ng naturang committee.

Ayon kay Neri, personal niyang adbokasiya na tiyakin ang ligtas na eleksyon sa taong ito sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na health protocols partikular na sa pagpapatupad ng COVID-proofing elections.

Maaari kasi aniyang pagmulan ng superspreader event ang magiging botohan lalo na ngayong hindi pa ganap na malaya mula sa pandemya ang ating bansa.

Kaugnay sa mga hakbang na ipatutupad ng “new normal” committee ay naglabas ang Comelec ng mga plano upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng mga botante sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 9.

Kabilang dito ay ang pagsasagawa ng public simulation ng botohan gamit ang isolation polling place na mag a-accomodate sa mga botanteng may sintomas ng COVID-19.

Gagawa din ang komisyon ng kanilang sariling medical advisory board, at magse-set up ng mga medical desks sa mga voting areas sa tulong ng mga health and medical groups.