-- Advertisements --
image 250

Itutuloy ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 5.

Nakatakdang pipirma ang Comelec at ang National Printing Office (NPO) ng Memorandum og Agreement (MOA) sa Setyembre 30 para sa pag-imprenta ng mga balota.

Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia, kailangan nilang simulan ang printing of ballots upang hindi sila kakapusin ng panahon sakaling matuloy ang elections.

Bukod sa pag-imprenta ng mga balota, sinimulan na rin ng Comelec ang training ng mga guro na siyang magsisilbing board of canvassers sa December 5 elections.
Ngunit, kapag hindi matutuloy ang halalan, magagamit pa rin daw ang mga balota at iba pang election paraphernalias para sa susunod na taon.
Napag-alaman na hanggang ngayon ay malaki ang posibilidad na matuloy ang eleksyon dahil wala pang batas na inaprubahan ang Senado tungkol dito.

Kailangan na hanggang sa September 30 ay maipasa ng dalawang kapulungan ang kanselasyon ng eleksyon dahil nagkakaroon na ng recess ang mga mambabatas.

Top