-- Advertisements --
Comelec building 2022 05 26 01 04 03

Nakatakdang dinggin ng Commission on Elections (Comelec) ang inihaing petisyon na naglalayong i-disqualify ang Smartmatic sa pagbili ng mga vote counting machine

Inihain ng grupo nina dating Comelec Commissioner Augusto Lagman ang naturang petisyon.

Inihain pa ito noong Hunyo-15, 2023.

Batay sa petisyon ng naturang grupo, dapat ay hindi bigyan ng pagkakataon o payagan ang Smartmatic na makasali sa bidding dahil sa kwestyunableng integridad nito sa nagdaaang halalaan.

Una ring binigyan ng COMELEC en banc ang Smartmatic ng pagkakataon na magkomento sa naturang petisyon.

Ito, ayon kay COMELEC Chair George Erwin Garcia, ay bahagi ng due process sa ilalim ng komisyon.

Paliwanag pa ng COMELEC Chair, nais nilang dinggin ang naturang petisyon upang kaagad makapaglabas ng desisyon bago masimulan ang bidding ng mga bagong makina sa susunod na taon.

Itinakda naman sa susunod na linggo ang naturang pagdinig.