-- Advertisements --

Sinampahan na ng kaso ang suspek na nasa likod ng pamamaril at pagpatay sa limang katao sa loob ng LGBTQ nightclub sa Colorado.

Ang 22-anyos na si Anderson Lee Aldrich ay dumalo sa pagdinig ng kaso nito sa El Paso District Court.

Dito ay pormal na siyang sinampahan ng kasong murder, hate crimes at assaults matapos na mapatay ang limang katao at nasugatan pa ang 22 iba bago napigilan ng ilang katao.

Walang inilaan ang korte na piyansa laban sa suspek.

Magugunitang noong nakaraang buwan ng pumasok ang suspek sa nightclub kung saan armado ito ng rifle at handgun at walang habas na namaril sa mga tao na nasa loob ng club.

Kinilala ng mga nasawing biktima na sina Kelly Loving, 40; Daniel Aston, 28; Derrick Rump, 38; Ashley Paugh, 34; at Raymond Green Vance, 22.