-- Advertisements --
Bureau of Immigration

Maituturing pa rin umanong significant accomplishment ng Bureau of Immigration (BI) ang mas mababang revenues ng gobyerno sa unang anim na buwan ng taon sa kabila ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang collection ng BI sa immigration fees mula Enero hanggang Hunyo   ay P3.14 billion na mas mababa raw ito ng 39 percent sa P4.3 billion na nai-remit nila sa national treasury sa parehong period noong nakaraang taon.

Sinabi ni Morente na sa kabila ng pandemic ay nasa 50 percent short lamang sila ng target collection na P6.18 billion para sa taong 2020.

Dagdag ni Morente, posibleng naabot na nila ang record levels sa mga sandaling ito kapag walang pandemic na siyang dahilan kung bakit napilitan ang ahensiyang magsuspindi ng kanilang mga serbisyo at magbawas ng operasyon sa karamihan ng kanilang mga opisina.

“We still consider this as a significant accomplishment considering that even amidst the pandemic we are just 50-percent short of attaining our target of P6.18 billion for 2020,” ani Morente.

Idinahilan pa ni Morente na ang pagbulusok sa 95-percent ng local at foreign travelers na pumapasok at lumalabas  sa bansa ang naging dahilan sa pagbaba ng kliyente ng BI.

Sa kabilan nito, tiwala pa rin si Morente na maaabot ang kanilang target na income ngayong taon habang nagkakaroon na ng transition sa “new normal” sa ilalim ng mas pinaluwag na restrictive quarantine measures.

“We are seeing resurgence in the number of people transacting in our offices and as the economy slowly reopens and travel restrictions are eased, we anticipate a steady rise in our revenues in the next few months,” dagdag ni Morente.

 Para naman kay BI Financial Management Division Chief Judith Ferrera, bago ang pandemic ay nakikita na nilang magkakaroon sila ng record high collection ngayong taon.

 Aniya, noong Enero at Pebrero ay mayroon nang total collection ang BI na P1.8 billion pero ang revenues ay  bumaba sa P481 million noong Marso noong isinailalim na ang Luzon sa enhanced community quarantine dahil sa pandemic.

Ibinunyag din ni Ferrera na noong nakataang taon ay nakapag-deposito ng BI sa national coffers ng mahigit P10.5 billion na mas mataas sa 111-percent revenue target noong 2019.