Tinalakay ang collaborative projects at kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs) kasabay ng magkakahiwalay na courtesy call ng mga ambassador ng Nigeria at Qatar sa Office of the Vice President sa Mandaluyong city.
Dito, nag-courtesy call sina Ambassadors Folakemi Ibidunni Akinleye ng Nigeria at Ahmed Saad Al Homidi ng Qatar kay VP Sara Duterte.
Pinasalamatan ng Nigerian ambassador si VP Sara para sa mensaheng ipinadala nito sa kanyang unang Nigeria-Philippines Business Forum at sa unang Nigeria-Philippines Women sa Leadership Summit noong nakalipas na taon.
Nagpaabot din ng pasasalamat si VP Duterte sa gobyerno ng Nigeria para sa pag-iingat sa mga Pilipino lalo na sa mga seafarers sa Nigeria.
Pinag-usapan din ng dalawang opisyal ang posibleng kolaborasyon sa larangan ng edukasyon.
Samantala, nagpasalamat din si Duterte sa gobyerno ng Qatar para sa kolaborasyon sa pagitan ng OVP at Department of educations na kanyang pinamumunuan sa pamamahagi ng school supplies at souvenirs sa FIFA World Cup para sa piling mga batang estudyante.
Ang Qatar kaso ang host ng FIFA World Cup noong nakalipas na taon at ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na isinagawa sa Arab country.