-- Advertisements --
pna 2021 09 29 23 02 19

Opisyal nang nagsimulang manungkulan ngayong araw bilang bagong hepe ng public affairs office ng Armed Forces of the Philippines si Col. Xerxes Trinidad ng PH army.

Ito ay matapos na bakantihin ni Ltcol. Enrico Gil Ileto ang naturang puwesto ngayong araw ng dahil sa mga personal na rason nito.

Samantala, sa isang mensahe naman na ipinaabot ni ileto ay nagpahayag naman ito ng lubos na pasasalamat para sa suporta na kaniyang nakuha sa media at publiko, kasabay ng paghikayat nito sa lahat na suportahan din si Trinidad na hahalili sa kaniya.

Kung maaalala, bago italaga bilang chief si trinidad ay nanunkulan muna ito bilang spokesperson ng philippine army, at naging chief-of-staff din siya ng civil-military operations ng 4th infantry division.

Nagsilbi rin siya bilang commander ng 36th infantry battalion, at 402nd infantry brigade executive officer.

Si Col. Xerxes Trinidad ay miyembro rin ng Philippine Military Academy class of 1995.