-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng Australian Open si American tennis player Coco Gauff.

Tinalo nito sa unang round si Anna Karolina Schmiedlova ng Slovakia sa score na 6-3, 6-0.

Sa unang set ay dominado ni Gauff ang laro kung saan nagkumahog ang nakaharap na Slovakian player.

Sinabi nito na sa unang set ay bahagya itong nakadama ng nerbiyos subalit kaniya itong nalampasan.

Susunod na makakaharap nito sa susunod na round ang American unseeded na si Caroline Dolehide.