-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nanatiling naka-lockdown ang Philippine Coast Guard (PCG), District Office sa Barrio Obrero, Lapuz, Iloilo City.
Ito’y matapos nagkahawaan ng COVID (Coronavirus Disease) ang nasa 10 nilang tauhan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Commander Edison Diaz, station commander ng PCG-Iloilo Station, sinabi nito na Enero 30 nang unang nagpositibo sa COVID ang apat na personnel kaya isinailalim sa RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) test ang kanilang mga naging close contact.
Sa 14 na close contact, anim sa mga ito ang nagpositibo rin sa COVID.
Sa ngayon ay nagpatuloy ang contact tracing at agad nagsagawa ng disinfection sa compound ng nasabing ahensya.










