-- Advertisements --

Bumuo na rin ang Commission on Audit ng isang task force para imbestigahan ang overpriced laptops na binili para sa mga guro sa public schools.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, nagconvene ang naturang task force na binubuo ng audit team na siyang gagawa ng fraud audit sa biniling laptops ng Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) para sa DepEd.

Matapos ang gagawing fraud audit sinabi naman ni Education secretary at VP Sara Duterte na ito magbabase sila sa findings ng fraud audit ng COA para sa kanilang magiging susunod na hakbang.

Maging si Senate Blue Ribbon Committee ay nakatakdang magsagawa ng kanilang imbestigasyon sa isyu ng procurement ng laptops sa August 25.