-- Advertisements --
Napili ng Team USA ang shapewear brand ni Kim Kardashian bilang kanilang offiicial garments.
Ang womenswear collection na kinabibilagan ng sports bras, shirts, vest, cycle shorts at high-waisted brief ay may naka-imprinta na mga American flags at limang Olympic rings ganun din may nakasulat na Team USA branding.
Sa kaniyang social media inanunsiyo ng reality star ang nasabing pagpili sa kaniyang Skims brand bilang official undergarments, loungewear at pajamas ng mga team USA.
Dagdag pa nito na malapit sa kaniya ang mga laro kung saan inalala pa niya ang panonood ng mga Olympic trials sa track events noong ito ay bata pa dahil ang kaniyang ina na si Kris Jenner ay ikinasal noon sa dating atleta.