-- Advertisements --
DAVAO CITY – Sinimulan na ang pagpapatupad ng closed fishing season sa Davao Gulf kung saan layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga isda na makapangitlog.
Nabatid na bawat taon itong ginagawa ng lungsod ito ay para manatili na sapat ang dami ng mga isda pagpasok sa buwan ng Agosto.
Ipinatupad ang nasabing hakbang simula Hunyo hanggang Agosto nitong taon.
Ayon pa kay Raul Millana, regional director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-11) na ang mga mangingisda na gumagamit ng bagnet, at ibang kagamitan na ipinagbabawal sa panahon ng closed season ay mahaharap sa kaso.
Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga bagnet dahil kabilang sa mga mahuhuli ang mga malalaking isda.










