-- Advertisements --

Sisimulan na umano nina President Donald Trump at maybahay nito na si Melania Trump ang 14-days quarantine upang makasiguro na hindi sila nadapuan ng coronavirus disease.

Kinumpirma mismo ang balitang ito ni Trump matapos magpositibo sa deadly virus ang kaniyang top aide na si Hope Hicks.

Si Hicks ay palaging kasama ng Republican president saan man ito magpunta. Bitbit din siya ng pangulo noong unang presidential debate na ginanap sa Cleveland noong Miyerkules, araw sa Pilipinas.

Namataan din ito na sumakay sa Marine One kasama ang iba pang close aides ni Trump tulad nina Jared Kushner, Dan Scavino at Nicholas Luna na pare-parehong hindi nakasuot ng face masks.