-- Advertisements --

Naitabla na ng Los Angeles Clippers sa 2-2 ang best of seven round 1 Western Conference playoff laban sa Dallas Mavericks 116-111.

Hindi naging hadlang para sa Clippers ang kawalan ni Kawhi Leonard dahil sa injury sa tuhod para pahiyain ang Dallas sa kanilang homecourt sa laro nitong umaga ng Lunes.

Sa simula pa lamang ay hawak na ng Clippers ang kalamangan kung saan umabot pa sa 29 point ang kanilang kalamangan.

Nanguna sa panalo ng Clippers si Paul George na may 26 points habang mayroong 18 points at limang assists si James Harden.

Napalapit pa ng Dallas ang kalamangan ng Clippers 78-76 sa pamamagitan ng three points shot n Kyrie Irving.

Babalik naman sa homecourt ng Clippers ang Game 5 sa araw ng Huwebes.