Naibulsa ng Los Angeles Clippers ang ikatlo nitong panalo ngayong season matapos pataubin ang Orlando Magic, 118 -102.
Naging mahigpit ang ipinakitang depensa ng dalawang koponan kung saan natapos lamang ang unang kwarter sa 18 – 13, pabor sa Magic.
Napanatili naman ng Magic ang kalamangan hanggang sa pagtatapos ng ikalawang kwarter.
Gayonpaman, umarangkada ang Clippers sa ikatlong kwarters sa pamamagitan ng 41 – 21 scoring performances.
Hindi na binitawan pa ng Clippers ang nakuhang lead hanggang sa pagtatapos ng4rth quarter, na naging daan ng nakuhang panalo.
nanguna si Paul George sa naging panalo ng Clipps sa pamamagitan ng 27pts, 7 rebounds at 7 assists habang 18 points 7 assists naman ang naging ambag ni Russell Westbrook.
Hindi naman naging sapat ang pagtutulungan ng Magic upang padapain ang Clipps, kahit na anim na players nito ang kumamada ng double digit points, sa pangunguna ng sophomore na si Paolo Banchero na may 15 points.
Sa loob ng apat na games ngayong season, tatlo na rito ang naipanalo ng Los Angeles Clippers.