-- Advertisements --
Pumayag si Los Angeles Clippers forward Robert Covington ng dalawang taon na extension sa koponan.
Ayon sa kampo ni Covington na nagkakahalaga ang extended contract nito ng $24-milyon.
Sa ilalim kasi ng collective bargaining agreement ay pasok kasi Covington ng pagpirma muli ng kontrata sa Clippers ng maximum ng dalawang taon.
Noong nakaraang season ay kumita si Covington ng $12.975-M noong umalis siya sa Portland Trail Blazers at kinuha ng Clippers noong Pebrero.
Ang 31-anyos na si Covington ay may career average 11.6 points at 5.8 rebounds.
Naglaro na rin ito sa Houston Rockets at Minnesota Timberwolves.










