Hindi naiwasan na masisi rin ni NBA star Jordan Clarkson ang kanyang sarili sa pagkatalo kaninang madaling araw ng Gilas Pilipinas sa kamay ng national team ng Lebanon.
Ayon kay Clarkson, sumablay kasi ang tatlo niyang mga tira na may mahigit dalawang minuto ang nalalabi sa game.
Una nang nakapagtala ng big performance si Clarkson kasama na ang 27 points sa kanyang all-around game.
Sa kabila nito, positibo naman si Clarkson sa magandang laro na ipinakita ng mga batang players ng Gilas tulad na lamang nina Dwight Ramos at 7-footer na si Kai Sotto.
Maganda aniya itong senyales para sa kinabukasan ng national team.
Naniniwala pa ang dating Sixth Man of the Year sa NBA, kung tutuusin ay may tiyansa sana sila na maipanalo ang game.
Samantala sa next game sa Lunes, tiniyak ng Filipino-American player na muli silang maghahanda para sa game kontra sa Saudi Arabia.
Pipilitin umano nilang magpakita ng panalo sa harap ng mga Pinoy fans.