-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Filipino-American Jordan Clarkson si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sa mga kritisismo na natatanggap nito.

Sinabi ng Utah Jazz player na kabilang sa koponan si Reyes at kung anumang batikos ang ibabato dito ay apektado ang buong koponan.

Si Reyes aniya ang gumawa ng paraan para makapaglaro si Clarkson sa bansa.

Magugunitang maraming mga basketball fans ang bumabatikos kay Reyes dahil sa hindi naging magandang performance ng Gilas Pilipinas sa mga nagdaang torneo.

Sa naganap na huling laro ng Gilas Pilipinas sa 4th window ng FIBA Wold Cup Asian Qualifiers ay tinambakan nila ang Saudi Arabia 84-46.

Hindi na nabigo ang nasa halos 20,000 fans na nanood sa MOA Arena kung saan kabilang sa audience si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Gilas coach Chot Reyes na may mga binago silang stratehiya para sa nasabing laro na kanilang natutunan noong talunin sila ng Lebanon.