-- Advertisements --
Naglabas ng pagkadismaya si Filipino -American player Jordan Clarkson matapos na kantiyawan ng mga audience si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.
Sa laro kasi ng Gilas kontra Italy nitong Martes ng gabi sa Smart Araneta ay nagsigawan ng ‘boo’ ang mga nanonood ng banggitin ang pangalan ng beteranong coach.
Sinabi ni Clarkson na isang pagigng “weird” ang nasabing ginawa ng mga Pinoy fans.
Dapat aniya ay hindi na ito ginawa ng mga fans dahil sa sariling teritoryo ito ng Pinoy.
Magugunitang inihayag na ni Reyes na hindi na nito binibigyan ng atensiyon pa ang anumang batikos na kaniyang natatanggap dahil alam niya umano na ginagawa lamang nito ang kaniyang trabaho.