-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang magandang balita na kanilang natanggap para sa Gilas Pilipinas.

Ito ay matapos na nagpahayag ng interest na makasali sa Gilas Pilpinas sina Utah Jazz star Jordan Clarkson at Kai Sotto sa FIBA World Cup na ang isang host ay Pilipinas.

Kasunod ito sa hindi nakasama ang dalawa sa last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers noong Pebrero.

Paglilinaw naman ng SBP na depende pa rin ito sa mga darating na mga buwan kung gaano ang dedekasyon ng dalawa sa pagsali sa mga gaganaping ensayo ng national basketball team.

Bukod pa dito ay ang budget na maaring ilaan ng Gilas Pilipinas para sila ay makasama.

Sa kasalukuyan kasi ay naglalaro na sa Japan Basketball League ang 7 foot 4 na si Sotto kaya tumanggi na itong maglaro sa Gilas noong Pebrero.