Humiling din ng confidential funds ang iba pang civilian agencies ng gobyerno sa ilalim ng panukalang pondo para sa 2024.
Mula sa 21 tanggapan, nasa 28 na ahensiya ng gobyerno ang pormal na humingi ng confidential funds.
Una ng iniulat ng DBM na nasa kabuuang P10.14 billion ang halaga ng confidential at intelligence funds para sa lahat ng ahensiya sa 2024 proposed budget.
Kabilang dito ang P4.5 billion para sa Office of the President, na mayroong P2.25 billion sa confidential at P2.31 billion intelligence fund habang P500 million para sa office of the Vice President.
Base sa joint Circular No. 2015-01 ng Commission on audit, tinukoy ang confidential funds bilang alokasyon na ginagamit ng civilian government agencies para sa surveillance activities alinsunod sa kanilang mandato.
Iba ito sa intelligence fund na ginagamit ng uniformed at military personnel at intel na kumakalap ng mga impormasyon may kaugnayan sa pambansang seguridad.