Binuksan na ng PNP Civil Security Group ang kanilang satellite office sa Manila Police District (MPD).
Mismong si PNP Chief Gen. Camilo Cascolan ang nanguna sa blessing ng opisina kaninang umaga.
Ang pagtatayo ng nasabing satellite office ay para mapabilis ang kanilang frontline services tulad ng pagpaparehistro ng mga baril at lisensya ng mga security guard.
Ayon kay CSG Director Police Major General Israel Dickson, ang nasabing hakbang ay nakapaloob sa 9-Point Strategic Agenda ni PNP chief Police General Camilo Pancratius Cascolan para sa decentralization ng PNP Licensing.
Dahil din anya sa pagbubukas ng satellite office ay mailalapit ng CSG ang kanilang serbisyo sa publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Iginiit naman ni Cascolan na nais nilang mapaglingkuran ang publiko kaya inilalapit nila sa komunidad ang serbisyo ng pulisya.