-- Advertisements --
image 28

Nilinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang kinalaman sa cybercrime ang naranasang technical gliches sa may Ninoy Aquino international Airport (NAIA) noong araw ng bagong taon.

Sa statement na inilabas ng Department of Trasportation (DOTr) , ipinaalam na ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa Department of National Defense (DND) ang naturang isyu subalit ayon sa ahensiya na ang apektadong electrical equipment ay hindi maaaring mamanipula mula sa labas ng Civil Aviation Authority of the Philippines compound bagamat patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon na ginagawa ng cyber security experts.

Samantala, sinabi naman ni National Security Adviser Clarita Carlos na ang breakdown ng vital infrastructure gaya ng Communication, Navigation, and Surveillance system ng Civil Aviation Authority of the Philippines ay banta sa national securoty ng bansa kapat kailangan ng agarang aksiyon upang maiwasang mangyari muli ang naturang insidente.