-- Advertisements --
Nakumpleto na ng mga otoridad sa Wuhan, China ang isinagawang citywide testing para sa COVID-19 matapos na umusbong ulit ang maraming mga kaso makalipas ang mahigit isang taon na unang natuklasan ang coronavirus doon.
Sinab ni senior Wuhan official Li Tao na isinagawa ang tests sa mahigit 11 million katao sa lungsod maliban na lamang sa mga batang edad anim pababa at mga estudyante na nasa ibang bansa para holiday.
Martes noong nakaraang linggo nang inanunsyo ang citywide COVID-19 testing dahil sa pitong locally transmitted infections na natuklasan sa mga migran workers sa lungosd.