CEBU CITY-Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng pagbaril patay sa isang city councilor ng Bayawan, Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si Alex Diamante Tizon, 66 anyos at residente ng Brgy. Real ng nasabing lungsod.

-- Advertisement --

Sa imbestigasyon, ayon ng director ng Negros Oriental Provincial Police Office (NOPPO) na si PCol. Julian Entoma na inaabangan ng riding in tandem si Tizon sa may national highway ng nasabing barangay saka binaril.

Posible umanong galing o papuntang simbahan si Tizon dahil piyesta sa nasabing lugar.

Inaalam pa nila ngayon kung merong nakaaway ang biktima o nakatangg ap ba ito ng mga death threat.

Narekober sa crime scene ang 4 na basyo ng bala ng Caliber 9mm.

Nabatid na dating chief of police si Tizon ng Bayawan PNP.