-- Advertisements --

Nagdesisyon ang organizers ng Cine Europa na gawing online na lamang ang taunang film festival.

Ang 23rd edition ay lalahukan ng 19 pelikula mula sa 20 European Union -member countries.

Pangungunahan ito ng German comic-thriller na “Sweethearts”.

Sinabi ni EU delegation to the Philippines Rafael de Bustamante, na ang layon ng film festival na mapanood ang mga pelikula na hindi naipalabas sa mga sinehan.

Gaganapin ito mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 29.